Cong pag saulang cong basahin sa isip ang nan~gacaraang arao n~g pag-ibig, may mahahaguilap cayang natititic liban na cay Celiang namugad sa dibdib? Yaong Celiang laguing pinan~gan~ganiban baca macalimot sa pag-iibigan; ang iquinalubog niyaring capalaran sa lubhang malalim na caralitaan. Macaligtaang co cayang di basahin nagdaáng panahón n~g suyuan namin? caniyang pagsintáng guinugol sa aquin at pinuhunan cong pagod at hilahil? Lumipas ang arao na lubhang matamis at ualáng nátira condi ang pag-ibig, tapat na pag suyong lalagui sa dibdib hanggang sa libin~gan bangcay co,i, maidlip. N~gayong namamanglao sa pan~gon~golila ang guinagaua cong pag-alio sa dusa nag daang panaho,i, inaala-ala, sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua. Sa larauang guhit n~g sa sintang _pincel_ cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim, nag-íisang sanláng naiuan sa aquin at di mananacao magpahangang libing. Ang caloloua co,i, cusang dumadalao sa lansan~ga,t, náyong iyóng niyapacan sa ilog Beata,t, Hilom na mababao yaring aquing puso,i, laguing lumiligao. Di mámacailang mupo ang panimdin sa puno n~g mangang náraanan natin, sa nagbiting bun~gang ibig mong pitasín ang ulilang sinta,i, aquing ináaliu. Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic sa buntong-hinin~ga nang icao,i, may saquit, himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git Paraiso namán ang may tulong silíd. Liniligauan co ang iyong larauan sa Macating ilog, na quinalagui-an binabacás co rin sa masayáng doon~gan, yapac n~g paá mo sa batóng tuntun~gan. Nag babalíc mandi,t, parang hinahanp dito ang panahóng masayáng lumipas na cong maliligo,i, sa tubig áagap, nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat. Parang naririn~gig ang laguî mong uica _tatlong arao na di nag tatanao tama_ at sinasagot co ng sabing may touâ _sa isa catauo,i, marami ang handa_. Ano pan~ga,t, ualang dî nasisiyasat, ang pagiisipco sa touang cumupas sa cagugunitâ, luha,i, lalagaslás sabay ang taghoy cong ¡ó, nasauing palad! Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami,i, baquít dí lumauig? nahan ang panahóng isá niyang titig ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan~git? Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay ay dîpa naquitil yaring abáng búhay? con gunitain ca,i, aquing camatayan, sa puso co Celia,i, dica mapaparam. Itong dî matiis na pagdaralitâ nang dahil sa iyo, ó nalayóng touâ, ang siyang umacay na aco,i, tumulâ auitin ang búhay nang isang na abâ. Celia,i, talastás co,t, malabis na umid, mangmáng ang _Musa_ co,t, malumbay ang tinig di quinabahag-yâ cong hindí malait palaring dinguin mo ng tainga,t, isíp. Ito,i, unang bucal nang bait cong cutad na inihahandóg sa mahal mong yapac tangapin mo nauâ cahit ualang lasáp nagbúhat sa puso nang lingcód na tapát. Cong casadlacán man ng pula,t, pag ayop tubo co,i, daquila sa puhunang pagod, cong binabasa mo,i, isá mang himutóc ay alalahanin yaríng nag hahandóg. Masasayáng _Ninfas_ sa laua nang Bay, _Sirenas_, ang tinig ay cauili-uili cayó n~gayo,i, siyang pinipintacasi n~g lubháng mapanglao na Musa cong imbi. Ahon sa dalata,t, pangpang na nag liguid tunuhan nang lira yaring abáng auit na nag sasalitáng búhay ma,i, mapatid, tapát na pag sinta,i, han~gad na lumauig. Icao na bulaclac niyaring dili-dili, Celiang saguisag mo,i, ang M. A. R. sa Virgeng mag-Iná,i, ipamintacasi ang tapát mong lingcód na si F. B.